Tuesday 18 October 2011

Talambuhay ko to

Ako si Allan T. Carpio, ako ay labingsiyam(19) na taong gulang, ipinanganak ako sa Bulacan, Bulacan noong ika-30 ng marso ng taong 1992. Ako ay nakatira parin sa Bulacan sa Baranggay Bambang, ang aking mga magulang ay sina Alfonzo at Eliza Carpio. Ako ay may tatlong(3) kapatid at ika tatlo(3) ako sa amin. Ang aking ama ay tricycle driver at ang aking ina naman ay isang mananah. Lumaki ako sa isang simpleng pamumuhay. Ako ay nag aral noong ako ay 4 na taon palang sa bambang day care center, at doon ay natutulog lang ako maghapon dahil wala pa akong alam sa nangyayari noon, noong naging limang(5) taon ako ay hindi ako pinayagan na makapasok sa elementraya dahil sa aking edad, kaya noong anim(6) na taon na ako nakatungtong sa elementarya. Noong grade 1 ay natutulog pa din ako pero paminsan-minsan na lang. noong ako ay mga labindalawang(12) na ako ay nasa high school na, dito ko na naranasan maging seryoso sa pagaaral pero sa kasamaang palad ganoon pa din ang sistema ko, easy go lucky lang, pero kahit ganoon hindi ko pinabayaan ang mga grade ko na bumagsak. sa high school, naranasan kong umulit ng taon PERO HINDI DAHIL AKO AY BUMAGSAK, umilit ako dahil sa bridge program noon, isinama kami ng aming adviser kahit hindi naming alam kung ano iyon. Sa ngayon college na ako, at patuloy pa di akong nagsusumikap sa araw araw upang makapasa. Dito ko na rin naiisip ang mga bagay na kakaharapin ko sa  hinaharap pag katapos kong mag-aral. Marami pa siguro akong dapat malaman pero kung ano ako ngayon ay dahil yon’ sa mga natutunan ko.
Bakit mas maliwanag ang araw kaysa buwan

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay araw. Hindi nagbigay ang dyos ng regalo lay buwan dahil hindi kasing ganda ng kay araw ang kalooban ni buwan. Galit na galit si buwan. Tapos, pumunta si buwan sa langit at nagnakaw siya ng isang brilyante ng diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niyana ang kanyang brilyante ay hindi kasing liwanag ni araw. Mas nagalit si buwan. Ng malaman ng diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan nya ang dalawang anghel na pumuntasa lupa upang parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibanato din ng dalawang anghel paitaas ang dalawang brilyante sa langit. Ngayon, ang mas maliwanag ay tinatawag na araw at ang pangalawang brilyante naman ay tinatawag na buwan. Libo libaong taon pa ang lumipas ay nasisilayan parin ang dalawang brilyante sa langit, dahil sa liwanag ng brilyante ni araw tinawag itong umaga at ang kay buwan naman ay gabi. Dahil sa nagawang pang aabuso ng dalawang anghel ay pinarusahan sila upang bantayan ang dalawang brilyante, sila ang nagging gabay sa paglubog at paglitaw nila araw at buwan mula sa langit. At gagawin nila ito mula ngayon hangang sa mga susunod pang taon.


Cict Days

Noong ika-24 ng agosto taong 2011 ay ginanap ang CICT days at dito ay nagkaroon ng mga paligsahan, ito ay tumagal ng 4 na araw at nagsimula ng alas 3 ng hapon, noong una ay nagkaroon muna ng maiksing parada sa loob ng campus. Nag karoon din ng mga programa tulad ng cost playing contest at marami ang nanuod sa paglisahang ito. Noong ika-2 araw naman ay nagsimula na din ang mga paligsahan na may kinalaman sa aming course tulad ng programming at networking at ilan sa mga kaklase ko ang sumali dito. Ang ilan naman sa mga kaklase ko ay sumali sa mga palarong tulad ng basket ball, volley ball, badminton, at marami pang iba. Pero sa kasamaang palad ang naturing araw na para sa mga cict students ay may pasok pa din sa araw na iyon. Kami ay ubligadong pumasok sa aming mga klase kahit sa ganoong okasyon.

Sa kalagitnaan naman ng ibang laro ay nakapanuod ako sa aking mga kaklase.karamihan sa sinalihan ng aming section ay hindi pinalad. Sa ika apat na araw ay hindi ako nakapanuod ng awarding dahil sa walang klase noong mga panahon na iyon. Kahit papaano ay Masaya naman ang padiririwang ng cict days dahil sa nagkasama-sama ang aming grupo at dahil na rin sa bagong karanasan nang mga araw na iyon.
Ang bambang (ang kinalakihan kong bayan)

Ang bambang ay isang lugar sa Bulacan kung saan ako nakatira, ito ay nahahati sa limang purok na dati ay anim, ditto na ako ipinanganak at lumaki, kasama ko ang mga kamagaanak ko sa amin na masaya at tahimik na namumuhay sa aming lugar. Ang limang purok na bumubuo sa bambang ay ang purok uno(1), purok dos(2), purok tres(3), purok kwatro(4), at ang purok sinko(5). Para sa akin ang purok singko ang pinaka tahimik na lugar sa bambang, wala masyadong gulo at masasya ang mga tao. Sa bawat lugar na napupuntahan ko hindi ko maiwasang ikumpara ito sa bambang. Katulad nalang ng mga okasyon tulad ng fiesta, semana santa, pasko, at ,arami pang iba. Tinitingnan ko lagi kung saan nga ba mas masaya. Sa ibang lugar makikita mong hindi masyadong pansin kung pasko o mahal na araw dahil sobrang busy ng isang lugar o kaya dahil lang sa yun na ang nkagawian nila. Minsan nagpunta ang pamilya naming sa bahay ng tito ko para bumusitan sa pagsalubog ng bagong taon, isa sa napansin ko na hindi lumalabas ang tito ko at mga iba pa naming kasama sa bahay para salubungin o magingay, dahil doon agad kong tinanong ang nanay ko dahil sya ay lumaki na sa lugar na iyon.

Ako: “ nanay, ba’t parang ang korny ng pagsalubong dito, ba’t wala manlang’ nag papaputok sa labas?”
Si nanay: “ganto talga dito, nakagawian na namin yan.”

Sa bagay kahit papaano ay naghahanda parin sila ng maraming pagkain para i-celebrate ang pagsalubaong sa bagong taon.

 Sa bambang, ang pagsalubong sa bagong taon ay parang katulad din ng sa ibang lugar. May misa, naghahanda ang mga tao, at lahat ay nag iingay sa labas ng kanilang bakuran. Kapag mahal na araw naman o semana santa, nakaugalian nadin ang pagpipinitensya o pagpapasan ng krus mula sa purok uno(1) hangang sa purok singko(5). Mas marami ang gumaganap nito tuwing huwebes santo at byernes santo, halos wala ng nakakadaan na sasakyan sa kalsada, dahil minsan umaabot ito ng mula sa sampu(10) hangang dalawampu(20) o minsan ay higit pa. kapag malapit na ang pasko nagsisimbang gabi ang mga tao at kapag bisperas naman ay nagkakaroon ng maikling programa sa simbahan ipinapakita nila ang kapanganakan ni hesus, sa araw naman ng kapaskuhan nag sisipag punta ang mga pamilya sa kanilang mga kamag-anak, at sa kami naman ay nagkakaroon ng isang Family reunion sa aming bahay ng amaing lolo. Dito ay nagkakasiyahan kami at nag kakaroon din ng mga progarama na may kapalit na premyo. Ganito sa amin. Ganito sa Bambang. 
ANG ALAMAT NG VIRUS

Si Ibiru ay isang batang may hindi kagandahang asal, lahat ng bata ay ayaw siyang maging kalaro, laging nag-iisa si Ibiru at parang laging galit sa mundo at bawat bagay na mahawakan niya ay lagi nalang nasisisra. Bawat bata na mapag-initan nya ay lagi nyang sinasaktan o kinukuhanan ng baon o kahit anong magustuhan nito. Si Ibiru ay lumaki sa isang mahirao na pamilya sa isang magulong syudad (somewhere in tondo). Sa iskwelahan mapapansin na lagi siyang nasa sulok at hindi nakikinig sa guro at minsan ay nanggugulo pa. Napansin na ito nang kaniyang guro at kanyang tinanong.

Guro: “Ibiru ba’t ka ba nagkakaganyan, lagi ka nalang hindi nakikinig sa klase at minsan nababalitaan ko pa na lagi mo daw inaaway ang mga kaklase mo”
Ibiru: “............................”
Guro: “bakit hindi mo ko sinasagot? Kinakausap kitang bata ka.”
Ibiru: “ ...........................”
Guro: “dahil jan sa ginagawa mo na yan bukas na bukas din ipapatawag ko ang nanay mo.”
Ibiru: “go ahead. I don’t care”

Dahil sa narinig ng guro kay Ibiru lalo itong nagalit at nasigawan. Si Ibiru ay walang paki-alam sa sinasabi ng guro sa kaniya at kaniya itong sinasagot ng pabalang. Dahil sa ginagawa ni Ibiru ay hindi na nakapagpigil pa ang guro.

Guro: “PUT #*%@(% MO KANG BATA KA! NAKAKAPANG INIT KA NG ULO NANG-GIGIGIL AKO SAYO. SANA MAWALA KA NALANG BIGL!!! GRRRRRRRRRRRR!!!”
Ibiru: “PUT#*%@(% MO DIN. FU*%&$ KA. X2 PA!!!”

Agad ay tumalikod at umalis si Ibiru sa kalagitnaan ng klase. Sinubukang habulin ng guro si Ibiru ngunit mas lalo pa nitong binilisan ang takbo. Nang kinagabihan ding iyon ay agad na nagdasal at humingi ng kapatawaran ang guro sa kanyang mga nasabi sa bata. Kinabukasan sa klase ay napansin ng guro na hindi pumasok si Ibiru. Maya-maya pa ay biglang dumating ang nanay ni Ibiru sa kanilang iskwelahan.

Nanay: “ma’am alam nyo po ba kung saan nag punta ang anak ko? Kagabi pa po kasi sya hindi umuuwi.”
Guro: “sige po misis sasamahan ko po kayo sa mga pulis upang hanapin ang bata”

Habang sinasamahan ng guro ang matanda ay hindi nya maiwasang isipin ang kanyang mga nasabi kahapon sa bata. Maraming araw pa ang lumipas ay hindi parin natatagpuan ang bata. Sa araw din kung kailan nawala ang bata ay may lumabas na isang mapaminsalang uri ng program na sumisira sa halos lahat ng files sa mga bansa. Mula noon ay pinangalanan na nila itong VIRUS para sa ala-ala ng batang si IBIRU.

WAKAS.
SA LAHAT NG MAKAKABASA

Sa lahat ng makakabasa
Konti sanang pasensya
Akoy gumagawa lamang ng konting tula
Kung akoy may kamalian sanay inyong maunawaan
Pagkat ang grade ko kailangan kong alalayan

Sabi ni ma'am lima ang kailangan
Diyos ko panginoon sana akoy inyong matulungan
Sa pagpasa ng proyekto kailangang kailangan
Ang lahat ng mga blog tapos at walang kulang

sa lahat ng bumbasa kung meron man
ang aking tula ay hangang dito na lamang
sa uulitin nalang kung hindi nyo nagustuhan
para lang masabing active ako minsan

ANG STUDYANTE

Sa mga mag-aaral siguradong alam nyo to
Na sa bawat minuto o kahit Segundo
Sinisipag lang kumilos pag gahol ang proyekto
Sa listahan ng istudyante marami tayo
Kaya wag kang mahiya ginusto mo to

Sa mga guro sa amin ay maawa
Sa mga proyekto sanay di mahaba
Pagakat hindi lang isa ang subject sa iskwela
Mga walo o sampo minsan higit pa
Pagnagkasabay-sabay  lalong kawawa

Sa aming guro na sa ami’y nagpagawa
Mahahabang kwento at maraming tula
Walang problema pagkat kami ang may sala
Sa iskwela ay di pumasok ng tama
Kaya ang bunga sandamakmak na pag-gawa

Sa mga istudyante wag masyadong mahiya
Kung ang proyekto huli na kung magawa
At di maipasa sa oras na itinakda
di naman lahat pwedeng magawa
kung talagang di kaya meron silang pang unawa


Ang bawang

Sa mga panluto ng ating magulang
Marami sigurado ang alam ang bawang
Sa halos lahat itoy kabilang
Kaya ang ulam nagiging malinamnam

Pero sa aking mga nalaman
Marami rin ang ayaw sa pansahog na bawang
Sabi nila itoy maanghan
Sabi naman ng iba itoy lasang ewan

Sa bagay marami rin tayong inaayawan
Ako man ay  ayaw ng paminta’t maanghang
Subalit sa mga pinoy ito ang nakasanayan
Kaya’t ang mga ulam lalong malinamnam