Talambuhay ko to
Ako si Allan T. Carpio, ako ay labingsiyam(19) na taong gulang, ipinanganak ako sa Bulacan, Bulacan noong ika-30 ng marso ng taong 1992. Ako ay nakatira parin sa Bulacan sa Baranggay Bambang, ang aking mga magulang ay sina Alfonzo at Eliza Carpio. Ako ay may tatlong(3) kapatid at ika tatlo(3) ako sa amin. Ang aking ama ay tricycle driver at ang aking ina naman ay isang mananah. Lumaki ako sa isang simpleng pamumuhay. Ako ay nag aral noong ako ay 4 na taon palang sa bambang day care center, at doon ay natutulog lang ako maghapon dahil wala pa akong alam sa nangyayari noon, noong naging limang(5) taon ako ay hindi ako pinayagan na makapasok sa elementraya dahil sa aking edad, kaya noong anim(6) na taon na ako nakatungtong sa elementarya. Noong grade 1 ay natutulog pa din ako pero paminsan-minsan na lang. noong ako ay mga labindalawang(12) na ako ay nasa high school na, dito ko na naranasan maging seryoso sa pagaaral pero sa kasamaang palad ganoon pa din ang sistema ko, easy go lucky lang, pero kahit ganoon hindi ko pinabayaan ang mga grade ko na bumagsak. sa high school, naranasan kong umulit ng taon PERO HINDI DAHIL AKO AY BUMAGSAK, umilit ako dahil sa bridge program noon, isinama kami ng aming adviser kahit hindi naming alam kung ano iyon. Sa ngayon college na ako, at patuloy pa di akong nagsusumikap sa araw araw upang makapasa. Dito ko na rin naiisip ang mga bagay na kakaharapin ko sa hinaharap pag katapos kong mag-aral. Marami pa siguro akong dapat malaman pero kung ano ako ngayon ay dahil yon’ sa mga natutunan ko.